Mukhang tama naman ako, pero yan kasi kadalasan yung iniisip ko bago ko malaman na mali ang ginawa ko, na mali nanaman ako. Ang saya lang siguro makahanap ng kakampi sa sarili mo, yung kaya mo panindigan ang mga salita at kilos mo kasi kaya at gagawin mo yung naayon sa wasto na pinakamalapit sa kagustuhan mo.
Mukhang wala lang akong masabi. Parang walang patutunguhan ang mga salita ko. Gusto ko lang maramdaman yung maramdaman ko dato. Pikit kaya kong isulat lahat ng gusto ko.. pero ngayon di ko na magawa. Abala ako sa magiisip kung ano ang isusulat ko at sa paulit-ulit na pagpapalit ng isusulat.
Saan na ba napunta ang dalubhasang minsa'y nasa aking tabi? May makapal na alikabo sa tabi ko na maari kong punasan kung may tatabi sa akin. Sana maging proactive ako sa buhay ko.

No comments:
Post a Comment