Maari maglaho ng unti unti
o maglaho ng biglaan,
ngunit maari ding magbalik
ng walang pakundangan
ang mga alaalang pilit
iwinawaksi ng isip
at pinapahalagahan ng puso.
Pasasaan ba at mapapagod ang puso
sa pagtibok ng isang ngalan,
maaring titibok na lamang ito para sa iba
o para sa sarili...
o maaring titibok na lamang ito hanggang
bawian na ng buhay.
Sa kabila ng lahat ng sakit na nakaimprenta na
sa bawat butil ng luhang nilaan at nasayang
at pinagtatampo ng pangamoy, matatagpuan
ang maamong ngiti tulad ng halimuyak ng mga bulaklak
pagkatapos ng maghapon.
emo/sad/bitter mode... di ko mapigilan ang naguumapaw na kalungkutan.
No comments:
Post a Comment