Thursday, April 21, 2011

SN

Meron akong primera claseng ugali at pagkatao,
imported na factory reject na puso,
utak ng ikalabing pitong apo ng pinsan ni da vinci mula sa tiyange,
matinding kakayaha na tiisin ang sakit dulot ng mga desisyong
katumbas ng limang dram na tubig ulan at luha
at di matutumbasang madramang disposisyon sa buhay

Dapat ko bang isuka ang sarili ko?
Para lang ipakita na mas sawi na ako ngayon kaysa noong nakalipas na linggo?
Nakalipas na buwan?
Nakalipas na taon?
Dapat ko pa bang isa isahin ang detalye ng akin pag-iisa at pagkawasak ko?
Iguhit ko ko kaya ang diagram sa palad mo gamit ang dugo ko para mas malinawan ka?
Eh kung ubusin ko lahat ng salita ko at paimpisin ang baga ko kakapilit sumigaw ng paulit ulit?
Maintindihan mo kaya na umasa ako sa mga lupon ng bituin para sa pagkakataon at katapangang lumiban at dumating lamang nang wala na ako...

Wala na akong pagkakataong makita ka ng di sinasadya sa bawat araw.
Wala na ako sa sarili kong katinuan at puro salita na lang na walang ibubuga.
Wala na ako karaparatang mapa sa aking ang loob mo, hawakan ang kamay mo at yakapin ka.
Wala na akong luhang iluluha, pakingan mo man ang aking katahimikan o pagtawa...
Kahit sa tanaw o panaginip lamang.
Wala na akong maisip kundi pakawalan ang sarili ko mula sa gapos na ginawa ko.
Wala ako magagawa kundi tanggapin ang mapait na katototohanan
Na ang lahat ay nabuo sa pantasya
Unawain at wag mo masamain...
Minsan din pinaikot ko ang mga araw
mga linggo
mga buwan
ko sa inyo kaya ganito ako
Magpapaalam sa inyo.

No comments:

Post a Comment