Tuesday, November 22, 2011

jeepney crush



sa kabilang hanay ng upan nakaupo siya
sa jeepney biyaheng malanday - recto
matatagpuan ko ngayong gabi ang babae,
babaeng magpapatigil ng antok ko

sa bawat sulyap ng mata sa panig ko
hinihiling kong tinitignan niya ako
sa bawat iwas niya sa tingin ko
sana hindi siya na ngangamba sa mata ko

hindi ko mabura ang ngiti ko sa mukha kaya
pinilit ikinukubli ang abot tengang kaligayhan
kaharap ko pa siya, masaya ako,
mas sasaya ako kung papansin niya ako

ngayon, kung kalan walang traffic sana nagkaroon
kahit  abutin ng alas nueve sa avenida ayos
pero banayad ang pagarangkad ng jeep
lumilipad pa kami sa tulin ng harurot

pero meron pang isang nagnakaw ng piraso ng puso
sa biyaheng mcu - rotonda
isa pa sa biyaheng city hall - dulo
at iba pa ito sa mga nasa LRT 1, LRT2 at MRT.

4 comments:

  1. susubaybayan ko yung jeepney love story mo. xD

    ReplyDelete
  2. wala nang ibubunga yan.. attraction lang yan e... pero if kismet na magmeet uli, ah eh iba na yun :>

    ReplyDelete
  3. di ba jeca! maghanap ng inspirasyon sa iyong paligid! :)

    ReplyDelete